From Pedro Gil to the streets of Espana to the halls leading to the Intensive Care Unit
med school survivors
Why I want to become a Doctor
hospital food entices me
i want to study forever
i love the smell of chlorine bleached floors in the morning
i look good in white
i hate to sleep
my handwriting sucks
Main Characters
Characters:ME - Louise Lane aka Lois Lane aka superman's girlfriend aka always called to recite during rounds because of my "well thought name" care of my thoughtful fatherANDY - aka Randi Rose. My Twin Sister.JILL- my best friend in med school. Owns entire Cavite area.DORING - Chick magnet. With a snap of his fingers, he gets the girls. Part of the magic four inner circle. (Me, randi, jill). MICHAEL G - Evil genius. Misunderstood. He has a lot of issues, but eventually it all works out in the end.
MAJO/jojo - my best friend na guy from college. Boyfriend ni Rana.
From iskolar ng bayan to full fledged Thomasian
Gradweyt ako ng UP college of public health. Batch 2000. Nung March 2000, nag away kami ng mga magulang ko. Mag memedisina ako, gusto nila UP ako, gusto ko rin UP ako, sabi nila may kakilala sila sa UP, isang prominenteng doktor sa PGH, matutulungan daw ako. Sabi ko, ayaw ko magpatulong. Mataas ang grades ko naman, gagradweyt naman ako ng may honor at isa sa mga top sa batch, naniniwala ako na walang politika sa pagpasok ng UP med.
Hindi ganoon ang UP! Sigaw ko.
Hindi tayo mamumulitika. Hindi mababangisan ng politika ang pagmemedisina ko.
May pagka tanga ako talaga noon.
Hindi ako natanggap sa UP. Pero yung kakilala ko na may "4" na grade, yung isa pa na ma mababa ang grades sa akin, parehong natanggap. May islots daw para sa anak ng mga doktor ng PGH. Sixty pesos a sem lang daw bayad nila.
Powtek. Napunta ako ng UST Med, sixty thousand pesos a sem ang bayad ko.
Hindi ko sinasabing lahat ng UP doctors ay nakapasok dahil sa palakasan. Sinasabi ko lang, may ilan na nakapasok dahil doon. Matatalino talaga lahat ng nandoon, kaso talagang may ganoong sistema pala. Naniwala ako sa institusyon na may pagkabulok din pala. Doon ako nagsimulang mag isip.
*
Kung kaya kong i rewind ang mga pangyayari, ganoon pa rin ang desisyon na gagawin ko. Napadpad ako sa UST, at doon ko natutunan na doon pala ako dapat. Medyo yumabang kasi ako nung asa UP ako, feeling ko, UP the best. Nadapa ako, pinulot ako ng UST at tinuruan na makibagay. Maraming tinuro sa akin ang UST, at aaminin ko, mas ganap akong Thomasian kaysa isang Iska. Ilan sa pinakaimportanteng pangyayari sa buhay ko, ay dahil sa mga taong nakilala ko sa UST.